Ang Itao Spa ay nasa Xiamen. Ito ang unang Filipino spa sa Tsina. Ang Itao ay nangangahuluhang The Way to Happiness.
Isang Pilipino ang nagpapakilala sa naiibang pamamaraan ng hilot Pinoy. Isang wellness expert si Clifford Alba na may certificate mula sa TESDA at lisensya sa panghihilot mula sa DOH.
Si Clifford Alba, manghihilot at may-ari ng Itao Spa sa Xiamen
Una siyang nagpunta sa Tsina bilang caregiver at paglaon ay nagkaroon ng katuparan ang pangarap na magbukas ng sariling Spa.
Bukod sa mayamang kaalaman sa hilot ng Pilipinas, sa Tibet, di inaasahang naipasa kay Clifford Alba ang natatanging paraan ng paghihilot na may kasamang meditative dance.
Panayam ni Mac Ramos kay Clifford Alba, manghihilot at may-ari ng Itao Spa

Panayam ni Mac Ramos kay Clifford Alba, manghihilot at may-ari ng Itao Spa
Alamin ang kwento sa likod ng “sayaw ng buhay” ni Clifford Alba sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Source: filipino.cri.cn