Quantcast
Channel: News & Updates – FAX | Filipino Association in Xiamen
Viewing all articles
Browse latest Browse all 95

Eric Dychauco: Pagpapaunlad sa negosyo ng Boysen sa Xiamen

$
0
0

Sa Pilipinas pagdating sa pintura isang brand ang pinagkakatiwalaan – Boysen. Sinimulan ang negosyo noong dekada 50 at unti unting lumago para maging lider sa industriya. Sa Tsina, kalagitnaan ng 90s pinasok ng Boysen ang buildings material industry. Nakabase ang operasyon ng kumpanya sa Xiamen.

Si Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Xiamen Manufacturing Company Limited

Si Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Xiamen Manufacturing Company Limited

Sa panayam ng Serbisyo Filipino kay Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Xiamen Manufacturing Company Limited. Sinabi niyang katamtaman ang lagay ng kanyang kumpanya. Alok ng Boysen ang garantisadong kalidad sa kabila ng kamahalan ng kanilang pintura. Ano ang dahil ng mataas na halaga ng kanilang pintura? Aniya dahil sa Pilipinas pa rin nanggagaling ang kanilang mga produkto at ang pag-aangkat nito ang siyang nagpapamahal dito.
Harapan ng tindahan ng Boysen sa Xiamen

Harapan ng tindahan ng Boysen sa Xiamen

Nangunguna rin ang Boysen sa pagtuklas ng mga produktong maka-kalikasan, paliwanag ni Dychauco sa Tsina malayo pa ang lalakbayin ng katulad na mga inisyatibo. Hangad niya na sa hinaharap ay mapapalaganap ang kamalayan hinggil sa mga environment friendly paint products. Nang tanungin kung kaya bang gayahin ang pagpipintura sa EDSA gamit ang Knox-Out Boysen? Sagot ni Dychauco na kung magagawa niya ito puwede niyang sabihing naging matagumpay ang kanyang pagkadestino sa Xiamen.
Panayam ni Mac Ramos kay Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Xiamen Manufacturing Company Limited

Panayam ni Mac Ramos kay Eric Dychauco, General Manager ng Boysen Xiamen Manufacturing Company Limited

Payo niya sa mga Pinoy na negosyante na nais pasukin ang pamilihang Tsino, “Believe in your product.”

Alamin ang iba pang mga pananaw ni Eric Dychauco hingggil sa pagnenegosyo sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.

Source: filipino.china.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 95

Trending Articles