Quantcast
Channel: News & Updates – FAX | Filipino Association in Xiamen
Viewing all articles
Browse latest Browse all 95

Cilla Martha C. Adriano : Teaching Tips para sa gurong dayuhan

$
0
0

Si Cilla Martha Adriano ay taga Baguio. Bago pumunta ng Tsina, siya ay English Department Head ng Baguio School of Business and Technology. Taong 2005 tinanggap niya ang alok para subukin ang kanyang kakayahan sa pagtuturo ng wikang Ingles.

Si Cilla Martha Adriano

Si Cilla Martha Adriano

Hindi siya naging masaya sa kanyang unang pinasukang eskwelahan, ang Xiamen Tourism School. Hirap siyang makuha ang interest ng mga vocational students. Itinuring niya itong isang kabiguan. Pero tila nasa guhit ng palad ni Cilla ang magtagal sa Xiamen.

Dahil habang namamasyal, tiyempo namang nakatagpo niya ang may-ari ng isang eskwelahan para sa mga bata. Matapos dumaan sa pagsusuri, sinimulan niyang magturo sa Jordan’s Language School at hanggang sa kasalukuyan, may 9 na taon na siyang masayang nagtuturo sa mga bata.

Ani Adriano, “This is the irony of it. I don’t like teaching kids in the Philippines.” Pero ngayon mahal na mahal niya ang kanyang mga kids dahil napakasigasig ng mga ito sa pag-aaral ng Ingles. Wala nang hihilingin pa ang guro sa ganitong kalagayan.
Marami pa siyang pinagdaanang karanasan sa trabaho. Kailangan niyang makipag kumpetensiya sa ibang mga dayuhan. Pero tiwala si Cilla sa kanyang kakayahan dahil aniya, “It’s how you teach. How you get the interest of the kids.”

Sampung taon na siyang nagtatrabaho sa Xiamen. Paalala niya na pihikan ang employer na Tsino at mabusisi pagdating sa mga guro. Dahil dito dapat huwag tatamad-tamad ang Pinoy at talagang ipakita ang galing at kakayahan nito. Dagdag niya sa Xiamen respetado ang gurong Pilipino.

Kinapanayam sa Xiamen si Cilla Martha Adriano ni Mac Ramos ng CRI Filipino Service.

Kinapanayam sa Xiamen si Cilla Martha Adriano ni Mac Ramos ng CRI Filipino Service.

Sa hinaharap pangarap ni Cilla Adriano ang magtayo ng isang paaralan para sa mga batang kalye sa Pilipinas. Hangad din niya na sumulat ng isang aklat na magagamit ng mga nais matuto ng Ingles – bata man o matanda.

Alamin ang ibang kwento ng buhay-Xiamen ni Cilla Adriano sa panayam ni Mac Ramos ng programang Mga Pinoy sa Tsina.

Source: filipino.china.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 95

Trending Articles